Bumisita kahapon sa Palasyo ng Malacañang si Outgoing Ambassador of Brunei Darrusalam to the Philippines Hajah Johariah Binti Haji Abdul Wahab.
Siya ay nag- farewell visit o pormal nang nagpaalam kay Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., sa Palasyo ng Malacañang.
Sa isang statement, sinabi ng pangulo na isang karangalan ang bisitahin ng Ambassador of Brunei Darrusalam.
Nagpapasalamat aniya ang buong bansa sa patuloy na kontribusyon ng Brunei Darrusalam para mas maging maganda ang relasyon ng Brunei Darrusalam at Pilipinas.
Hangad rin ng pangulo sa outgoing ambassador ang ligtas nitong pagbiyahe pabalik nang kanilang bansa.
Facebook Comments