Nakumpiska ng Department of Agriculture (DA) ang mga ipinasok na mga smuggled agri-fishery products sa Navotas.
Ito’y matapos ang sunod- sunod na pagsalakay sa pitong illegal storage facilities sa San Rafael Village ,Navotas.
Matapos makatanggap ng impormasyon ang DA, agad ikinasa ang isang operasyon kasama ang Bureau of Customs (BOC), Philippine Coast Guard (PCG), Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR), Bureau of Animal Industry (BAI) at Navotas local government .
Unang sinalakay ang cold storage facility sa Francisco Street kung saan nadiskubre ang mga smuggled na frozen pork, frozen beef at frozen chicken.
Isinunod naman ng mga awtoridad ang mga cold storage facility sa dalawang lokasyon sa 81 at 72 Bernardo Street kung saan natuklasan ang mga frozen pompano, pangasius, shrimp, chicken, frozen beef, at frozen pork.
Kabilang din sa nadiskube ang mga cold storages na patagong nag-o- operate sa ilalim ng trucking services registration.
Ayon kay Assistant Secretary for Inspectorate and Enforcement James Layug , ang mga nakumpiskang agri- fishery products ay walang kaukulang sanitary at phytosanitary clearance mula sa Food Safety Regulatory Agency (FSRA).
Tiniyak ni Layug na ipasasara nila ang mga storage warehouses habang kakasuhan ang mga nasa likod nito.