Hinikayat ng Department of the Interior and Local Government Unit (DILG) ang mga lokal na pamahalaan na mag-avail ng support fund mula sa P13.586 billion na Local Government Support Fund-Financial Assistance to Local Government Units (LGSF) upang maibangon ang ekonomiya at malabanan ang COVID-19.
Mayroon lang hanggang June 30 ang mga lokal na pamahalaan na makapag-avail ng naturang support fund.
Ayon kay DILG Secretary Eduardo Año, malaking tulong ito sa mga LGU na may limitadong internal revenue allotment upang harapin ang hamon ng pandemya.
Dapat aniyang samantalahin ang pagkakataon para may magugol ang mga LGU sa pagharap sa public health emergency.
Kabilang dito ang pagbili ng ambulansya ng mga medical equipment.
May mahuhugot din aniya para magagamit para sa health assistance sa mga indigent individuals katulad ng medical, burial, transportation, food assistance, cash for work at educational assistance.