Nakatanggap ang Armed Forces of the Philippines (AFP) ng limang milong pisong donasyon mula sa mga kongresista para sa mga biktima ng bumagsak na C-130 aircraft.
Mismong si AFP Vice chief of Staff Lt. Gen. Erickson Gloria ang tumanggap nito sa isinagawang sa isang handover ceremony Sa Camp Aguinaldo.
Ang dalawang kongresista ay sina Congressman Eric Go Yap ng ACT-CIS Partylist at Tanggapan ni Congressman Paolo Duterte, ng unang distrito ng Davao.
Nag-ambag din ang business sector ng Benguet at Davao sa donasyon.
60 porsyento ng halaga ang ipapamahagi sa mga pamilya ng 49 na sundalong nasawi sa trahedya, habang 40 porsyento naman ang para sa mga sugatan.
Kaugnay nito nagpasalamat si Lt. Gen. Gloria sa ngalan ni AFP Chief of Staff Gen. Cirilito Sobejana sa donasyon at tiniyak na agad itong makakarating sa mga benepisyaryo.