Sisikapin ng Department of Human Settlements and Urban Development o DHSUD na tapusin ngayong taon ang pagtatayo ng nalalabing pabahay para sa mga biktima ng Bagyong Yolanda na humagupit sa bansa noong 2013.
Sa budget deliberations sa plenaryo ng Kamara ay inihayag ito ni Committee on Appropriations Vice Chairman at Navotas Representative Toby Tiangco na siyang nagdidepensa sa P3.951 billion na proposed budget ng ahensya sa 2023.
Sabi ni Tiangco, ngayon ay nasa 200,000 units ang natapos na mula sa kabuuang 209,447 units ng pabahay na itatayo sa Region 4, 5, 6, 7, 8 at 13.
Ayon kay Tiangco, bunsod nito, mayroon na lamang 9,000 unit ang kailangan pang itayo at target na target ng ahensyang matapos ngayong taon.
Facebook Comments