Pacquiao, Yoo, sumalang na sa weigh-in

PHOTO COURTESY: Apple Greatson Photography

Sumalang na sa weigh-in para sa kanilang exhibition match sina dating eight-division world champion Manny Pacquiao at mixed martial arts practitioner DK Yoo.

Nakapagtala si Pacquiao ng timbang na 73.1 kilograms habang 78.9 kilograms naman si Yoo.

Gaganapin ang kanilang 6-round exhibition fight ngayong araw sa Seoul, South Korea.


Una nang sinabi ng Pinoy boxer na hindi siya magpapakampante kay Yoo at tiniyak na nasa tamang kondisyon siya kapag nakaharap ang South Korean fighter.

Samantala, ang kikitain sa laban ay ido-donate sa mga biktima ng giyera sa pagitan ng Russia at Ukraine.

Facebook Comments