Binati ni Senator Ronald ‘Bato’ dela Rosa ang National Telecommunications Commission o NTC sa paggamit nito sa taglay na regulatory powers sa mga organisasyon na banta sa ating pambansang seguridad.
Sinabi ito ni Dela Rosa, kasunod ng deriktiba ng NTC sa internet services providers na i-block ang nasa 20 websites na umano’y may kaugnayan sa makakaliwa.
Diin naman ni Senate President Vicente “Tito” Sotto III, prerogative ng National Security Council ang hakbang ng NTC.
Sa pagkakaalam ni Sotto ay walang eksaktong probisyon hinggil dito na nakapaloob sa Anti-Terrorism Act pero maaring pinagbatayan nito ang probisyon na tumutukoy sa teroristang grupo.
Bukod kina Dela Rosa at Sotto ay naunang nagpahayag ng suporta sa nabanggit na aksyon ng NTC si Senator Panfilo ‘Ping’ Lacson na isa sa may-akda at nagsulong ng Anti-Terror Law.