Matumal pa rin ang dagsa ng mga nagpapabakuna ng booster shots.
Sa interview ng RMN Manila, sinabi ni Health Secretary Francisco Duque III na 25% pa lamang ng 44 milyong eligible para sa booster ang nakakapagpaturok.
Nilinaw naman ng kalihim na hindi na hesitancy ang problema kaya nananatiling mababa ang vaccination rate sa bansa kundi ang ‘vaccine complacency’ ng mga tao.
Kaugnay nito, pinag-aaralan na ng Department of Health (DOH) ang mungkahing gawing requirement ang booster shots para maikonsiderang fully vaccinated kontra COVID-19 ang isang indibidwal.
Ayon kay Health Undersecretary Myrna Cabotaje, sa World Health Organization (WHO), tumutukoy ang terminong “fully vaccinated” sa mga indibiwal na nakakumpleto ng kanilang primary vaccine series.
Pero ayon kay Cabotaje, bukas sila sa mga ganitong istratehiya para mahikayat pa ang mas marami na magpaturok ng dagdag na bakuna.