Pagbibigay ng COMELEC ng advance topic sa debate, sinagot ni Senador Ping Lacson ng malutong na “ayoko”

Mariing tinututulan ni presidential candidate Senador Panfilo “Ping” Lacson ang desisyon ng Commission on Election (COMELEC) na magbigay ng advance topic sa mga kandidato para sa gagawing debate.

Ayon kay Lacson, kung magbibigay ng mga advance na mga questionnaire para ka na ring nagbigay ng leakage sa mga kandidato kaya mas mainam umanong mag-aral na lang silang mabuti bago ang aktuwal na pagsalang sa debate.

Tugon ni Lacson, malutong na “ayoko” dahil, para kang nagbigay umano ng leakage, tanong ng beteranong senador bakit ka pa nag-exam kung may leakage naman, dapat umano mag-aral sila bago sumalang sa aktwal na debate.


Maging ang running mate ni Lacson na si vice presidential candidate Senate President Vicente Sotto III ay hindi rin pabor sa desisyon ng COMELEC.

Matatandaan na nauna nang nagpaliwanag si COMELEC Spokesperson James Jimenez, ginawa ng Komisyon ang hakbang para maging patas umano ang debate sa mga kandidato.

Tiniyak naman ni Jimenez na hindi sila magbibigay ng specific o tiyak na mga katanungan sa mga kandidatong kasali sa debate.

Facebook Comments