Pagbibigay ng mga livelihood program sa taong 2024, sinisiguro ng DBM

Tiniyak ng Department of Budget and Management (DBM) na maipatutupad ang pagbibigay ng mga livelihood program sa taong 2024.

Nabatid na isa ito sa mga prayoridad ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., kung saan pinaglaanan ito ng malaking pondo sa 2024 National Expenditure Program (NEP).

Ayon sa Department of Budget and Management (DBM), bahagi ito ng commitment ni Pangulong Marcos Jr., upang palakasin ang pagbibigay ng hanapbuhay sa bawat Pilipino.


Tinukoy ni Budget Secretary Amenah Pangandaman ang mga pinaglaanan ng malaking pondo para sa susunod na taon ay ang Integrated Livelihood Program ng Department of Labor and Employment na nasa P16.4 billion kung saan kasama na rito ang Tulong Panghanapbuhay sa Ating Disadvantaged Workers (TUPAD) Program.

Naglaan naman ng P5.62 billion para sa Sustainable Livelihood Program ng Department of Social Welfare and Development (DSWD).

Nasa P549 million ang inilaan para sa implementasyon ng Payapa at Masaganang Pamayanan (PAMANA) program.

Naglaan rin ang gobyerno ng P1,355.408 billion sa Department of Agriculture para sa Aquaculture Sub-program upang mas mapahusay pa ang produksyon sa agriculture sector.

Facebook Comments