Pagbubukas ng 2021-2022 school year, gagawin sa August 23

Plano ng Department of Education (DepEd) na buksan ang susunod na School Year (SY) sa August 23.

Ayon kay Education Undersecretary Diosdado San Antonio, magiging anim na linggo na lamang ang bakasyon ng mga estudyante mula sa dalawang buwan.

Paliwanag pa ni San Antonio, pinaghahandaan na ng kagawaran ang “ideal scenario” ng susunod na school year kung saan papayagan ang limitadong bilang ng mga estudyante na makapunta sa paaralan.


Tiniyak naman ni San Antonio na mas pagbubutihin ng DepEd ang pamamaraan ng pag-aaralan ng mga estudyante ngayong pandemya.

Facebook Comments