Pagbubukas ng ilang negosyo tulad ng sinehan at arcade, pinayagan na ng IATF

Sa layuning pasiglahing muli ang ekonomiya mula sa dagok na dulot ng COVID-19 pandemic, pinayagan na ng Inter–Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases (IATF-EID) ang reopening ng ilan pang negosyo sa ilalim ng General Community Quarantine (GCQ) areas.

Ayon kay Presidential Spokesperson Secretary Harry Roque, kasama sa mga negosyong muling bubuksan ay ang driving schools; traditional cinemas, at video and interactive-game arcades; libraries, archives, museums, at cultural centers; meetings, incentives, conferences at exhibitions, at limited social events.

Magbubukas na ring muli ang ilang limited tourist attractions, tulad ng mga parke, theme parks, natural sites and historical landmarks.


Samantala, inaatasan ng IATF ang Department of Health (DOH) na maglabas ng guidelines o mga panuntunan hinggil sa reopening ng mga nabanggit na negosyo.

Kinakailangan pa ring mahigpit na sundin ang health and safety protocols.

Facebook Comments