Pagbuo ng unified contact tracing protocol, aprubado na rin sa plenaryo ng Kamara

Ini-adopt ng Mababang Kapulungan ng Kongreso ang isang resolusyon na humihimok sa Inter-Agency Task Force (IATF) na bumuo ng “unified contact tracing protocol.”

Pinagtibay ng Kamara ang House Resolution 1680 na layong magkaroon ng mas epektibong health emergency data monitoring system sa bansa sa gitna na rin ng patuloy na pagtaas ng COVID-19 cases.

Sa ilalim nito ay ipinatatalaga sa IATF ang isang ahensya ng pamahalaan na magsisilbi bilang sentralisadong ipunan ng mga impormasyon upang mapadali ang sistema para sa health emergency response.


Tinitiyak dito na ligtas ang mga data at impormasyon salig na rin sa Data Privacy Act of 2012.

Nauna nang inamin ng Malacañang na naging mahina ang pamahalaan pagdating sa contact tracing sa kasagsagan ng pandemya.

Facebook Comments