Nanawagan ang Department of Health (DOH) sa mga kandidato sa 2022 elections na huwag magdaos ng malakihang campaign sorties na maaaring maging super spreader ng COVID-19.
Ayon kay Undersecretary Maria Rosario Vergeire, sana ay mapanatili natin ang mababang kaso ng COVID-19 sa bansa para magkaroon tayo ng masayang Pasko.
Nauna na ring nagpaalala ang Department of the Interior and Local Government (DILG) na ipinagbabawal ang pagkakaroon ng political rallies dahil sa banta ng Omicron variant.
Nabatid na ang mga kandidato partikular sa mga national position ay kabi-kabila ang pagbisita sa iba’t ibang parte ng bansa kung saan sila sinasalubong ng libu-libong mga taga-suporta.
Facebook Comments