Pagpapakita ng malakas na alyansa ng Pilipinas at Estados Unidos ang pagbisita sa bansa ng USS Blue Ridge sa gitna na rin ng tumitinding tensyon sa West Philippine Sea (WPS).
Si Tolentino ang guest speaker sa pagdating sa bansa ng USS Blue Ridge, ang flagship ng Seventh Fleet ng US Navy.
Kasama si US Ambassador MaryKay Carlson ay binigyang-diin nila ang kahalagahan ng pagdaong sa Pilipinas ng isa sa pinakamalaking barko ng Estados Unidos na pagpapakita ng matatag na relasyon ng dalawang bansa.
Kasama sa napag-usapan din ang nangyari kamakailan na panggigitgit ng China Coast Guard (CCG) sa mga barko ng bansa na nasa loob ng ating Exclusive Economic Zone (EEZ), habang nagsasagawa ng rotation and resupply mission sa mga sundalong nasa BRP Sierra Madre.
Aminado naman si Tolentino na posibleng maharap ang bansa sa maraming hamon lalo’t palala nang palala ang pang-ha-harass ng China at umaasa siyang malalampasan din ito ng mga Pilipino sa tulong na rin ng mga kaalyadong bansa.