Pagdinig ng Senado sa mga iligal na POGO, ipagpapatuloy sa October 8

Itinakda sa October 8 ang pagdinig ng Senate Committee on Women patungkol pa rin sa iligal na operasyon ng mga Philippine Offshore Gaming Operator (POGO) sa bansa.

Inaasahang patuloy na itatanong ng mga senador ang iligal na operasyon ng mga POGO hubs sa Bamban, Tarlac at sa Porac, Pampanga.

Sa nasabing petsa rin ipagpapatuloy ang executive session kasama si dismissed Bamban Mayor Alice Guo.


Dito ay may mga isisiwalat pa si Guo na mga utak ng iligal na operasyon ng mga POGO matapos niyang igiit na siya ay biktima lamang.

Posible ring itanong ng mga senador ang lumutang na impormasyon sa Quad Committee hearing ng Kamara kung saan ang self-confessed Chinese spy na si She Zhijiang ay itinuro rin espiya ang dating alkalde na unang itinanggi.

Ipinasubpoena naman para dumalo sa susunod na pagdinig ang dating mayor ng Bamban na si Jose Antonio Feliciano.

Facebook Comments