Paggamit ng “F” sa Filipinas at Filipino, ipinagbabawal na ng Komisyon ng Wikang Filipino at DepEd

Hindi na pinapayagan ng Komisyon ng Wikang Filipino at Department of Education (DepEd) na gamitin ang letrang F sa salitang Filipinas na tumutukoy sa ating bansa.

Ito ang pasya ng komisyon at Kagawaran ng Edukasyon matapos ang marami at mahabang talakayan sa mga manunulat, historyador, guro at publiko.

Sa halip na Filipinas ay gagamitin ng opisyal na salita ang Pilipinas bilang pagtukoy sa ating bansa.


Hindi na rin gagamitin ang letrang F sa salitang Filipino bilang pagtukoy sa mamamayan kundi ito ay Pilipino.

Ang desisyong ito ng Komisyon ay bunsod na rin sa pagtukoy ng 1987 Constitution bilang Pilipinas ang orihinal na tawag sa ating bansa at Pilipino naman ang opisyal na tawag sa mga mamamayan.

Dahil dito, naglabas ng kautusan ang komisyon at DepEd sa lahat ng mga tanggapan na nasa ilalim nito na kagyat ituro ang paggamit ng letrang P bilang pagtukoy sa Pilipinas at Pilipino.

Facebook Comments