
Sa pulong balitaan na ginanap sa Kampo Krame sinabi ni National Capital Region Police Office (NCRPO) Spokesperson Police Major Hazel Asilo na ikokonsidera ng pulisya na hindi bawal ang paggamit ng placard na may “BBM Resign” na gagamitin sa rally kasabay ng anibersaryo ng EDSA Revolutionsa Pebrero 25.
Ayon kay Asilo, hindi matatawag na seditious ang pagdadala ng placard maliban na lang kung may panawagan kagaya ng pabagsakin ang pamahalaan, o manira ng ari-arian kagaya ng pagsunog kung saan ilan umano ito sa kinokonsidera bilang red flags.
Aniya, napag-usapan na rin ito kasama ng mga organizers kung saan kasama ito sa mga dapat masunod .
Nabatid na nakasuhan ng inciting to sedition ang ilang organizers ng United People’s Initiative sa kasagsagan ng kanilang protesta matapos nitong kalampagin ang Armed Forces of the Philippines (AFP) na bumaliktad sa gobyerno.










