Tiniyak ni Pangulong Bongbong Marcos ang proteksiyon sa press freedom at kapakanan ng mga mamamahayag sa Pilipinas.
Ayon sa pangulo, walang dapat humarang sa media sa paghahatid ng katotohanan sa gitna ng talamak na disinformation.
Hindi aniya tulad ng mga naunang administrasyon ay hindi siya nagsusulong ng kolaborasyon sa media dahil nangangahulugan ito ng pag-suko sa independence o kalayaan sa trabaho ng mga mamamahayag.
Sa halip, hinimok ng pangulo ang media na gawin lamang ang kanilang tungkulin nang walang restriksyon.
Mas makabubuti aniya para sa bansa ang pagiging kritikal ng media sa halip na cooperative press.
Facebook Comments