
Natukoy na ng mga otoridad ang pagkakakilanlan ng biktimang chinop-chop at isinilid sa drum na natagpuan sa Binondo, Manila.
Ayon sa Pasay City Police Station, ang nasabing biktima ay isang Chinese national base sa nakita nitong ID mula sa isang tindahan.
Ayon kay National Capital Region Police Office Major Hazel Asilo, 4 pa na Chinese nationals ang kasama sa kinasuhan ng Pasay City Police Station ng murder dahil sa kanila naka-register ang condo unit kung saan pinaslang ang nasabing biktima.
Sa ngayon inaalam pa ng otoridad kung ang nasabing 4 na Chinese nationals ay nandoon sa insidente at patuloy ang isinasagawang manhunt laban sa kanila.
Nilinaw naman ni Asilo na nakatira ang suspek at ang biktima sa kaparehong unit kung saan nangyari ang krimen.
Kaugnay nito, napag-alaman ng mga otoridad na magkakasama sa isang negosyo na money changer ang mga nasabing suspek at biktima at sa ngayon ay tinitingnan na rin ng otoridad kung aktibo ang nasabing negosyo.










