Pagkakaroon ng safety seal, isa nang requirement sa paga-apply ng business permit

Maglalabas ng memorandum circular ang Department of Interior & Local Government (DILG) hinggil sa pagmamandato sa mga negosyo na magkaroon muna ng safety seal bago sila ma-isyuhan ng business permit.

Sa Laging Handa public press briefing sinabi ni DILG Usec. Epimaco Densing na binabalangkas na lamang nila ang nasabing memorandum circular.

Paliwanag nito dahil nasa ilalim parin ang bansa ng national public health emergency importante na mayroon silang safety seal upang matiyak na sumusunod ang mga ito sa mga patakaran upang maprotektahan ang ating mga kababayan mula sa banta ng COVID-19.


Sa ngayon, dahil nasa Alert Level 1 ang malaking bahagi ng bansa kung kaya’t winaive ito ng DILG pero kapag nailabas na ang circular, required na ang mga negosyo na magkaroon ng safety seal.

AYon kay Densing na 6% pa lamang ng mga negosyo sa buong kapuluan ang mayroong safety seal.

Facebook Comments