Pagkakaroon ng surot at pagdududa sa kalinisan sa NAIA, dapat agad masolusyunan

Iginiit ni House Committee on Overseas Workers Affairs chairman at KABAYAN Party-list Representative Ron Salo ang agarang pagbibigay ng solusyon sa pagkakaroon ng surot at hindi sapat na kalinisan sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA).

Ayon kay Salo, kailangan ang mabilisang aksyon upang matiyak ang kaligtasan ng lahat ng mga pasahero sa paliparan lalo na ang mga papaalis ng bansa at mga balikbayan.

Umaasa si Salo na ang gagawing pamamahala ng San Miguel Corporation sa operasyon, pagmintina at pagpapahusay sa mga pasilidad ng NAIA ay makakaresolba sa nabanggit na mga suliranin.


Bunsod nito ay hinikayat naman ni Salo ang mga pasahero ng paliparan na maging mapagmatyag at agad ipaalam sa mga kinauukulan ang mararanasan nilang fest infestations at problema sa kalinisan.

Diin ni Salo, kailangang mabantayang mabuti ang mga nangyayari sa NAIA para matiyak na napangangalagaan ang kapakanan, at nabibigyan ng maayos na karanasan ang mga pasahero.

Facebook Comments