Sinimulan ng pag-usapan ang bisyon ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., para makamit ang isang highly interconnected Philippines.
Sa Facebook post ng pangulo, inihayag nitong nagkaroon na ng pag-uusap kaugnay sa long-term development para sa maritime and aviation sectors ng bansa at tinalakay na ito sa ginawang cabinet meeting kahapon.
Ang nasabing long term plan para sa transportasyon ayon sa Punong Ehekutibo ay binubuo ng 10 flagship programs.
Sa oras na makumpleto, mas magiging maayos, mabilis at ligtas aniya ang paglalakbay maging ang paghahatid ng mga pangunahing pangangailangan para sa mga tao.
Magsisilbing daan din umano ito ayon sa pangulo para maging competitive ang bansa sa global maritime hub.
Kaugnay nito’y binanggit din ni Office of the Press Secretary OIC Undersecretary Cheloy Garafil na nagpresenta sa cabinet meeting kahapon ang Department of Transportation (DOTr) kaugnay sa kanilang mga program sa maritime at aviation sector kasabay ng pagsusulong sa economic recovery.