Pagkuha sa natitirang tumagas na langis mula sa lumubog na barko sa Oriental Mindoro, matatapos na sa June 19

Matatapos na sa June 19 ang ginagawang pagkuha o pagsipsip ng tumagas na langis mula sa MT Princess Empress sa Oriental Mindoro.

Ito ang inihayag ng Philippine Coastguard sa ginanap na news forum sa Quezon City na pinangasiwaan ng Presidential Communications Office (PCO) nitong weekend.

Sinabi ni Balilo na sa ngayon hindi na kumakalat pa ang langis sa mga lugar kung saan lumubog ang barko dahil gumagamit sila ng catch can.


Para makolekta ang natitirang langis idineploy ayon kay Balilo ang catch can sa lugar kung saan ang sunken tanker na may lalim na 400 meters below sea level.

Ang catch can ay nagsisilbing containment device, habang sinisipsip ang natitirang langis sa dagat.

May 29 ayon kay Balilo nang simulan ang pagsipsip sa tumagas na langis sa tulong ng Dynamic Support Vessel (DSV) Fire Opal na chartered ng Malayan Towage and Salvage Corp. (MTSC).

Facebook Comments