Pagkukumpuni sa Guadalupe at Lambingan Bridge, target masimulan sa katapusan ng 2022

Ilan pang tulay sa Metro Manila ang nakatakdang kumpunihin ng Department of Public Works and Highways (DPWH).

Kabilang dito ang mga tulay na tumatawid sa Pasig at Marikina Rivers.

Partikular na tinukoy ni DPWH Secretary Manny Bonoan ang Guadalupe Bridge sa Makati at ang Lambingan Bridge sa Marikina.


Ayon sa kalihim, target nilang masimulan ang retrofitting activities sa mga nabanggit na tulay sa huling bahagi ng taon o sa simulang bahagi ng 2023.

Una nang isinara noong Hunyo 25 ang southbound lane ng EDSA-Kamuning flyover sa Quezon City para bigyang-daang ang pagkukumpuni sa kalsada makaraan itong makitaan ng mga bitak.

Isang buwang tatagal ang pagsasaayos sa tulay.

Facebook Comments