Nanindigan ang Philippine National Police o PNP na walang legal na basehan para isailalim sa kanilang kustodiya ang suspek na si Jose Antonio “Anton” Sanvicente na sumagasa sa isang security guard sa Mandaluyong City noong nakaraang linggo.
Ayon PNP Spokesperson Police Colonel Jean Fajardo, ang naturang hakbang ay dahil na rin sa kawalan ng warrant of arrest laban sa suspek.
Dagdag pa ni Fajardo, lampas na sa kontrol ng PNP kung magkakaroon ng out-of-court settlement sa pagitan ng magkabilang panig.
Sa kabila nito, sinabi naman ni Fajardo na nangako ang abogado ng suspek na haharap sila bukas sa pagdinig upang sagutin ang mga akusasyon at harapin ang mga kaso laban kay Sanvicente.
Una nang kinasuhan ang suspek ng frustrated murder at pag-abandona sa biktima.
Matatandaang kahapon ay sumuko na si Sanvicente sa PNP at humarap ito sa publiko kasama ang kaniyang magulang at legal counsel.