Nanawagan ang isang public transport advocate group na pagbutihin pa lalo ng pamahalaan ang accessibility ng mga establisiyimento at public utilities para sa mga persons with disability (PWDs).
Sinabi ito ng Move As One Coalition kaugnay sa isinagawa nilang walkthrough sa pagsubok ng mga PWDs mula sa pagtawid ng mga naka-wheelchair sa mga kalsada, pagpunta sa mga palikuran at bangketa maging sa pagsakay sa mga pampublikong transportasyon sa Quezon City.
Batid ng grupo na may batas na tinatawag na Accessibility Law na layong bigyan ng maayos na access ang mga disabled para rito ngunit tila hirap itong ipatupad.
Kaugnay nito ay dapat pag-aaralan pang maigi ang naturang batas at magpatupad ng mga planong magbibigay-ginhawa sa mga PWDs.
Umaasa ang public transport advocate na darating ang araw na magiging mas PWD friendly ang mga pasilidad at public transportation sa bansa.