Sisilipin ng administrasyon ni President-elect Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang panukalang palawigin at gawing 5-year ang term para sa mga barangay officials sa bansa.
Ayon kay incoming Executive Secretary Vic Rodriguez, pinag-aaralan nila itong maigi kabilang na ang pagtatawag at pagbabawas ng gastos sa mga eleksyon.
Sinabi ni Rodriguez na sa ngayon ay wala pang katiyakan sa nasabing panukala at bukas pa ang Pangulong Marcos sa iba pang options at posibilidad kaugnay nito.
Matatandaang nilagdaan ni President Rodrigo Duterte ang panukalang ipagpaliban ang Barangay at Sangguniang Kabataan elections noong 2019
Facebook Comments