Pagpapanatili ng pagkakaisa at respeto sa isa’t isa, panawagan ni PBBM ngayong ipinagdiriwang ang Eid Al Fitr ng mga kapatid na Muslim

Hinikayat ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., ang mga kapatid na Muslim na ngayon ay nagdiriwang Eid Al Fitr o ang pagtatapos ng Ramadan na panatilihin ang values, aral at practices na kanilang natutunan sa nakalipas na Holy Month of Ramadan.

Ayon kay Pangulong Marcos Jr., kailangan mabigyang diin ang pagkakaisa at respeto sa isa’t isa para sa lahat kahit anupaman ang pinaniniwalaan o relihiyon.

Panawagan din ng pangulo sa mga Pilipino na makiisa sa Muslim community sa pag-obserba ng Eid al Fitr dahil kinikilala ng bansa ang Islamic Faith na kinamulatan na rin nang mga Pilipino.


Sa mensahe, sinabi pa ng pangulo na sa kabila na maraming pagkakaiba sa paniniwala at kultura kailangang manaig pa rin ang pakakaisa, respeto at pagmamahal.

Facebook Comments