Inanunsyo ng Commission on Elections (COMELEC) na suspendido pa rin ang voter registration sa mga lugar na nasa Enhanced Community Quarantine (ECQ) at Modified Enhanced Community Quarantine (MECQ).
Sa advisory ng COMELEC, sa National Capital Region (NCR), Bulacan, Cavite, Laguna at Rizal kasama na ang Santiago City sa Isabela, Abra at Quirino ay suspendido ang voter registration at pagbibigay ng voter certification ay hanggang sa Abril 30.
Bukas naman ang tanggapan ng COMELEC sa mga lugar na nasa General Community Quarantine (GCQ) o Modified General Community Quarantine (MGCQ).
Ito ay mula Lunes hanggang Huwebes alas-8:00 ng umaga hanggang alas-3:00 ng hapon para sa voter registration habang hanggang alas-5:00 ng hapon naman para sa pagbibigay ng voter certification.
Ang COMELEC Office for Overseas Voting naman sa Intramuros, Maynila ay bukas para tumanggap ng urgent travel needs kahit kasama sa nasa ilalim ng MECQ.