Inihayag ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., na dapat ay matagal nang naisabatas ang SIM Card Registration Act.
Ayon kay Pangulong Bongbong Marcos, panlaban ito sa pagkalat ng spam text messages at scams at makakatulong ito sa mga law enforcement agencies na iresolba ang isang krimen at matutukoy rin ang mga indibibidwal na gumagawa ng iligal gamit ng SIM card.
Pinatitiyak din ng pangulo sa mga telecommunications entities na irehistro ang existing prepaid SIM card phone subscriber sa loob ng prescribed period.
Kapag hindi ito aniya nagawa ng mga telecommunications entities sa itinakdang panahon ay otomatikong magdi-deactivate ang serbisyo.
Ang SIM cards ay deactivated muna at saka lang gagana kapag nai-rehistro na sa Public Telecommunication Entity (PTE).
Para naman sa lahat ng existing subscribers, kailangang ipa-rehistro ang kanilang SIM cards sa PTEs sa loob ng 180 araw mula sa effectivity ng batas.