Pagsailalim ng buong Metro Manila sa ECQ, nagsimula na ngayong araw; Tatlo pang lugar sa bansa, inilagay na rin sa ECQ

Nagsimula na ngayong araw, August 6 ang pagsailalim ng buong Metro Manila sa Enhanced Community Quarantine (ECQ) na magtatagal hanggang sa ika-20 ng Agosto.

Ito ay matapos aprubahan ni Pangulong Rodrigo Duterte nitong July 30 ang rekomendasyon ng Inter-Agency Task Force (IATF), na higpitan pa ang quarantine classifications sa National Capital Region (NCR).

Una munang inilagay ang NCR sa General Community Quarantine (GCQ) subject to heightened restrictions na magaganap mula July 30 hanggang August 5, 2021.


Maliban sa NCR, itinaas na rin sa ECQ ang Laguna, Iloilo City at Cagayan de Oro mula ngayong araw hanggang sa August 15, 2021.

Inilagay naman ang Cavite, Lucena City, Rizal at Iloilo Province sa ilalim ng Modified Enhanced Community Quarantine (MECQ) na magaganap din simula ngayong araw.

Ang Batangas at Quezon ay ilalagay sa General Community Quarantine (GCQ) with heightened restrictions sa kaparehong petsa.

Samantala, simula August 8, 2021 ay maisasailalim na rin ang munisipalidad ng Gingoog sa GCQ with heightened restrictions, kasunod na pagbabago ng quarantine classification ng mother province nito na Misamis Oriental.

Facebook Comments