Naniniwala si Dr. Guido David ng OCTA Research Group na pansamantala lamang ang bahagyang pagtaas ng kaso ng COVID-19 sa 14 na lugar sa bansa na nasa ilalim ng Alert Level 1.
Sa Laging Handa public press briefing, sinabi ni David na ang naturang upticks o bahagyang pagtaas ng mga kaso ay hindi pa naman magiging simula ng panibagong COVID-19 surge sa Pilipinas.
Paliwanag ni Dr. David, bagama’t nagkaroon nga ng bahagyang pagtaas ng kaso sa ilang lugar ay nananatiling nasa very low risk classification ang bansa.
Sa katunayan, dito sa National Capital Region (NCR) ay nasa 0.6 o less than 1 ang ating Average Daily Attack Rate o ADAR.
Pero binigyang diin nito na posible parin talagang magkaroon ng COVID-19 surge lalo na kung tuluyang magpapabaya ang publiko at hindi na susundin ang health and safety protocols at hindi pa rin magpapabakuna at magpapaturok ng booster shot.