Pagtaas ng positivity rate sa Metro Manila, hindi pa nakakabahala — OCTA Research

Hindi pa nakakaalarma ang pagtaas ng positivity rate sa National Capital Region (NCR).

Ayon kay OCTA Reaserch fellow Dr. Guido David, hindi naman dapat na ikabahala ang pagtaas ng positivity rate ng rehiyon sa 6% mula sa 5.9%

Aniya, mas mababa pa rin ang nabanggit na numero kumpara sa mga nakalipas na COVID-19 surge.


Ang mahalaga ani David ay patuloy pa rin ang pagsunod ng publiko sa health protocols gayundin ang pagpapaturok ng booster shot.

Facebook Comments