Iginiit ni Senator Sonny Angara sa administrasyong Marcos na isaalang-alang sa isusulong na stimulus package ang tumataas na inflation rate o presyo ng mga bilihin na isang worldwide phenomenon ngayon.
Binanggit ni Angara na may planong isulong ang administrasyong Marcos na economic stimulus package at pinag-aaralan na ang isusumiteng panukalang pambansamg budget para sa 2023
Sabi ni Angara, maaring magkaloob ng ayuda sa pinakamahihirap na pamilya at sa mga pinaka apektadong sektor.
Inihalimbawa ni Angara ang nakapaloob sa 2022 national budget kung saan naglaan sila ng pondo na pang-ayuda sa budget ng Department of Agriculture (DA), Department of Transportation (DOTr) at Department of Social Welfare and Development (DSWD).
Tiwala si Angara, na susuportahan ng Kongreso ang isusulong na 2023 budget at stimulus package ng susunod na administrasyon dahil sa napakataas na mandato na ibinigay ng mga botante kay President–elect Ferdinand Bongbong Marcos Jr.