Hiniling ng Samahang Industriya ng Agrikultura (SINAG) sa gobyerno na itaas sa P21 ang support price ng kada kilo ng palay mula sa dating P19.
Kasunod ito ng sunod-sunod na pagtaas sa presyo ng produktong petrolyo.
Ayon kay SINAG Chairperson Rosendo So, tumaas ang halaga ng produksyon ng kada kilo ng palay ng P5 sa nakalipas na dalawang panahon ng anihan.
Dahil dito, umaabot sa P19 ang kada kilo ng palay mula sa dating P14 hanggang P15 kada kilo noong nakaraang taon.
Iginiit ni So na pambawi lamang sa ginastos sa produksyon ng mga magsasaka ang P19 kada kilo.
Gumagamit din aniya ang mga magsasaka ng langis para sa transportasyon, fertilizers at feed additives, farm machines, tractors at harvesters, water pumps para sa irigayosn, aquaculture at fish farming.