Pagtatayo ng super max cell na paglilipatan ng mga high-profile inmates sa Bilibid, posibleng masimulan na sa Enero, 2023

Target ng Department of Justice (DOJ) at ng Department of Public Works and Highways (DPWH) na simulan ang pagtatayo ng super maximum security cell o super max cell sa January, 2023.

Ang super max cell ang siyang paglilipatan ng mga high profiled convicted criminal mula sa New Bilibid Prison (NBP).

Sa pulong balitaan sa Senado, sinabi ni Justice Secretary Jesus Crispin Remulla, may kasunduan na sila ng DPWH ukol sa pagpapatayo ng super max sa Sablayan, Mindoro Occidental at target na matapos iyon ng 18 buwan.


Mayroon aniyang pag-aaral at disenyo na isusumite bago matapos ang taon at nahingan na nila ito ng P4 billion na budget.

Samantala, posibleng umabot naman ng dalawa hanggang apat na taon para mareporma ang sistema ng Bureau of Corrections (BuCor).

Sa budget deliberation ng ahensya sa Senado, sinabi ito ni Finance Committee Chairman Sonny Angara na siyang nagdepensa ng budget ng DOJ sa plenaryo.

Sa loob din ng apat na buwan ay maaaring maramdaman ang mga pagbabago sa sistema ng BuCor.

Facebook Comments