Hindi sang-ayon si Commission on Elections (COMELEC) Commissioner George Garcia sa pagtatayo ng COVID-19 vaccination sites sa mga polling precinct sa mismong araw ng halalan o May 9.
Ayon kay Garcia, hindi ito ang tamang panahon para isabay ang bakunahan dahil maaari itong magdulot ng kalituhan sa mga botante at kailangan munang tutukan ang halalan kaya dapat unahin ang pagboto.
Dagdag pa ni Garcia na baka akalain ng mga botante na mandatory ang pagbabakuna upang makaboto at hindi na magpunta ang mga ito sa mga presinto.
Nauna na ring sinabi ng opisyal na hindi mandatory ang pagpipresenta ng vaccination card sa araw ng eleksyon sa halip ay magsuot lamang ng face mask at sundin ang mga safety protocols sa pagboto.
Facebook Comments