
Wala pa ring malinaw na detalye ang Malacañang hinggil sa posibleng pakikipagpulong ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. kay US President Donald Trump.
Ayon kay Palace Press Officer Claire Castro, wala pa silang natatanggap na anumang opisyal na abiso kaugnay ng naturang plano.
Tiniyak naman ni Castro na agad silang magbibigay ng update sakaling may update na hinggil dito.
Matatandaang sa unang bahagi pa lang ng 2025 ay nagpahiwatig na si Pangulong Marcos ng interes na makipagpulong sa lider ng Amerika upang talakayin ang mga usaping may kaugnayan sa immigration, defense, at kalakalan.
Bagama’t wala pang pormal na pagpupulong, nagkaroon na ng pag-uusap sa telepono ang dalawang lider, na sinundan ng pagkikita sa libing ni Pope Francis.
Facebook Comments









