Palasyo, nagpa-abot ng ‘good luck’ sa inihaing Duterte Act ni Sen. Imee Marcos

Good luck!

Ito lamang ang mensahe ng Palasyo sa inihaing President Rodrigo Duterte Act ni Senator Imee Marcos.

Ayon kay Palace Press Officer Claire Castro, mandato naman talaga ng mga senador ang gumawa ng makabuluhang batas para sa publiko at ikauunlad ng bansa, at hindi para sa sariling interes.

Layunin ng panukalang batas na maiwasan ang mga kaso ng extraordinary rendition o pwersahang pag-turn over ng mga akusado sa mga dayuhang korte, tulad ng umano’y sitwasyon ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Kung maisasabatas, maaaring makulong nang hanggang 20 taon ang sinumang lalabag dito.

Facebook Comments