Palasyo, nanawagan na ipagpaliban muna ang reunions at iba pang pagtitipon ngayong holiday season

Pinaalalahanan ng Malacañang ang publiko na unahin ang kaligtasan sa halip na pagplanuhan ang anumang bakasyon, parties o reunions ngayong holiday season sa gitna ng banta ng Omicron variant.

Ayon kay acting Presidential Spokesman at Cabinet Secretary Karlo Nograles, mahalagang isaalang-alang ang kaligtasan dahil hindi pa nawawala ang banta ng virus.

Aniya, mahalaga rin ang magpabakuna at samantalahin ang tatlong araw na Bayanihan, Bakunahan.


Giit pa ni Nograles, mas mahalaga ang buhay at kaligtasan kaysa kasiyahan.

Hindi rin dapat aniya na isantabi ang basic health protocols na malaki ang naitutulong para makaiwas sa peligro ng COVID-19.

Facebook Comments