Palasyo, pinuri ang PCG sa pagtataboy ng barko ng China sa WPS

Pinuri ng Malacañang ang coast guard personnel na nangtaboy ng Chinese naval ship na namataan sa karagatan ng bansa.

Isang Chinese warship ang napilitang umalis sa Marie Louise Bank sa El Nido, Palawan matapos ang radio challenge noong July 13.

Naispatan ng coast guard ship ang Chinese naval vessel sa lugar at agad na gumamit ng Lond Range Acoustic Device (LRDA) para magpadala ng mensahe sa banyagang barko, at agad naman itong umalis.


Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, binabati niya ang mga magigiting na tauhan ng Philippine Coast Guard (PCG) at tiniyak na bibigyan sila ng nararapat na pagkilala.

Matatandaang pinaigting ng PCG ang kanilang maritime patrols sa West Philippines Sea dahil na rin sa presensya ng mga barko ng China.

Facebook Comments