Suportado ng Palasyo ng Malakanyang ang hakbang ng Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) na ipinatanggal sa Netflix ang ilang episodes ng television series na Pine Gap.
Isa itong political drama kung saan itinampok ang mapa ng China at ipinabilang ang iligal na 9-dash claim nito sa South China Sea.
Ayon kay Presidential Spokesperson Sec. Harry Roque, sang-ayon ang Palasyo sa hakbang ng MTRCB, lalo’t nasa ilalim naman ng Office of the President ang tanggapang ito.
Bukod dito, ang Department of Foreign Affairs (DFA) rin aniya ang nauna at humiling sa MTRCB na huwag ipalabas sa Pilipinas ang ilang episodes ng seryeng ito.
Facebook Comments