Palasyo, wala pang natatanggap na pormal na komunikasyon para ipaaresto ang iba pang kapwa akusado ni FPRRD sa kasong crimes against humanity

Nilinaw ng Palasyo na wala pang natatanggap na komunikasyon ang pamahalaan mula International Criminal Court kaugnay sa posibleng pag-aresto sa iba pang kapwa akusado ni dating Pangulong Rodrigo Duterte

Kasunod ito ng nauna nang pahayag ni Executive Secretary Lucas Bersamin na nagsabing posibleng arestuhin ng Senador Ronald ‘Bato’ dela Rosa kung may ilalabas na warrant of arrest ang International Criminal Court (ICC).

Pero ayon kay Palace Press Officer Claire Castro, hanggang sa ngayon ay wala pang ganitong komunikasyon na natatanggap ang Palasyo.

Sinabi na rin ni Bersamin na ipatutupad lamang ang pag-aresto kay Dela Rosa at iba pang akusado kung dadaan sa kaparehong proseso pag-aresto noon kay dating Pangulong Duterte.

Si Dela Rosa ay kapwa akusado ni Duterte sa kasong crime against humanity dahil sa pagpapatupad noon ng war on drugs campaign ng nagdaang administrasyon.

Facebook Comments