Pamahalaan, dapat magkaroon ng mga istratehiya hinggil sa usaping food security sa bansa – ekonomista

Iminungkahi ng isang ekonomista sa pamahalaan na dapat magkaroon ng mga istratehiya o pamamaraan hinggil sa usaping food security sa bansa.

Sa panayam ng RMN Manila, hinalimbawa ni Prof. Emmanuel Leyco ang bigas kung saan na dapat ang bansa ay may kakayahang mag-ani at makapagpamahagi na mabibili ng mga taumbayan.

Dagdag pa ni Leyco, dapat magkaroon din tayo ng mga buffer na manggagaling sa domestic production.


Ibig-sabihin nito, sinabi ni Leyco na ang food security ay pinagsama ng sarili natin produksyon at pag-a-angkat.

Iginiit din ni Leyco sa gobyerno na dapat magkaroon ang bansa ng “long term objective” hinggil sa usaping importasyon.

Facebook Comments