Naglabas ng P57.120 million ang Department of Budget and Management (DBM) para sa edukasyon ng mga katutubo.
Inaprubahan ni Budget Sec. Amenah Pangandaman ang special allotment release order at notice of cash allocation para sa Payapa at Masaganang Pamayanan (PAMANA) program ng Department of Social Welfare and Development – National Commission on Indigenous Peoples (DSWD-NCIP).
Ilalagay ang pondo sa educational assistance program ng PAMANA na ibibigay sa 1,358 na benepisyaryo mula sa conflict-affected IP areas sa Cordillera Administrative Region, MIMAROPA, Region 9, 11, 12, at 13.
Layunin nitong matiyak ang access sa dekalidad na edukasyon ng mga estudyanteng katutubo para sa magandang kinabukasan, kaakibat ng pagsusulong ng kapayapaan at pag-unlad sa conflict-areas.