
Inanunsyo ng Bureau of Internal Revenue (BIR) na epektibo na ang bagong listahan ng mga gamot na hindi na papatawan ng Value Added Tax (VAT), alinsunod sa inilabas na Revenue Memorandum Circulars.
Sa Bagong Pilipinas Ngayon, sinabi ni BIR Commissioner Romeo Lumagui Jr. layon niyong ipalaganap ang rekomendasyon ng Food and Drug Administration (FDA) ukol sa karagdagang siyam na gamot na VAT-exempt.
Kabilang aniya sa mga ito ang mga gamot para sa cancer, diabetes, hypertension, kidney disease, at tuberculosis.
Kasunod nito, inilabas din ang memorandum na nagtatalaga ng karagdagang tatlong gamot para sa mental illness bilang bahagi ng VAT exemption.
Binanggit ni Lumagui na ang VAT exemption ay alinsunod sa itinatakda ng Republic Act No. 11534 o CREATE Act at Republic Act No. 10963 o TRAIN Law, na nagbibigay ng VAT exemption para sa mga piling health products.








