Pamahalaan, target na maideklarang malaria-free ang Pilipinas pagsapit ng 2030

Target ng pamahalaan na maideklarang malaria-free ang Pilipinas pagsapit ng 2030.

Inihayag ito ng Department of Health (DOH), kasabay ng pagdiriwang ng World Malaria Day 2021.

Sa harap din ito ng pagkakaantala ng schedule ng mga aktibidad sa ilalim ng National Malaria Control and Elimination Program ng DOH dahil sa pandemya.


Patuloy naman ang ginagawang libreng gamutan sa malaria ng 3,166 na pampublikong health facilities sa buong bansa.

Batay sa World Health Orgnization (WHO) Global Malaria Report, sa Western Pacific Region, 1.7 milyon ang kaso ng malaria noong 2019 at 52% ang nabawas sa bilang ng mga namamatay sa nasabing sakit sa nakalipas na dalawang dekada.

Ayon naman sa DOH, sa Pilipinas ay bumaba na ang kaso ng malaria sa 87% kung saan mula sa 48,569 na kaso noong 2003, naitala na lamang ang kaso nito sa 6,120 noong 2020.

Umabot naman sa 98% ang ibinaba ng mga kaso ng namamatay sa malaria mula sa 162 noong 2003 at 3 na lamang sa nakalipas na taon.

Ang malaria ay isang parasitic infection na naililipat sa pamamagitan ng kagat ng infected na babaeng lamok na nagtataglay ng Malaria.

Facebook Comments