Binigyan diin ni Dr. Alex Sta. Maria, hepe ng Mandaluyong City Health Office, na bawal pa rin ang walk-ins sa kanilang COVID-19 vaccination sites at centers.
Ayon kay Dr. Sta. Maria, walang tatanggapin na walk-ins sa lugar ng bakuhan ng lungsod maliban na lang kung sila ay kabilang sa A2 category o Senior Citizen.
Aniya, kung hindi pa nakakatangap ng schedule para sa kanilang pagpabakuna, kailangan aniya na tumawag sila sa Mandavax hotline na makikita sa official Facebook account ng lokal na pamahalaan ng Mandaluyong.
Ginawa ni Dr. Sta. Maria ang kaniyang pahayag matapos nang dalawang araw na nagkaroon ng mga pumipila na walang confirmation text message at madaling araw pa lang ay pumipila na sa Mandaluyong City Medical Center Mega Vaccination Site.
Samantala, pumalo na sa 125,396 ang nabakunahan sa lungsod kung saan 98,377 ang nabigyan na ng first dose at 27,019 naman ang nabigyan na ng kompleto ng dose ng COVID-19 vaccine.