Seryosong tinitingnan ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., ang personal at professional qualifications ng mga sundalo na dapat ma-promote sa mas mataas na puwesto.
Ito ang binigyang diin ni Executive Secretary Lucas Bersamin sa naging mensahe nito ng kinatawan ang commander in chief sa ginawang Change of Command Ceremony sa Armed Forces of the Philippines (AFP).
Sinabi ni Bersamin na maliban sa personal at professional qualifications, importanteng mabigyang bigat din ang katapatan sa watawat ng bansa at konstitusyon.
Ayon sa executive secretary, ito ang laging paalala sa kanila ni Pangulong Marcos kasama na kay Special Assistant to the President Anton Lagdameo at sa iba pang nakatalaga sa Office of the President.
Ayon raw sa pangulo mahalaga at prayoridad ang merit maging ang naibigay na sakripisyo sa paglilingkod sa bayan ng isang karapat- dapat para ma-promote sa isang posisyon.